🎵

dahan-dahan

Album: dahan-dahan Durasi: 4:24

Dahan-dahan umiimik

Ibinubunyag ang sarili

Paunahan magkamali

Madulas, at tanggapin

Heto na naman tayo

Umiindak muli

Sa saliw ng buhay nating

Laging sumasandali

Dahan-dahan, unti-unti

Lumuluwag ang mga tahi

Humiga, magpainit

Bumabaga? Yakapin

Pakinggan ang pagtibok

Ngunit lahat kikimkimin

'Wag nang ulitin

Ulit-ulitin

Heto na naman tayo

Umiindak muli

Sa saliw ng buhay nating

Laging nagkakasalisi

Isang bagsakan

Lalahatin

'Di maiwasan

Mahulog muli

'Nang dahan-dahan