🎵

Dinamalayan

Album: Dinamalayan Durasi: 4:55

Bakit ba tuwing nakikita ka

'Di makapagsalita at natutulala?

Bakit ba tuwing kasalubong ka

Ako'y 'di makagalaw, para bang matutunaw?

Hanggang kailan kaya ako

Hanggang tingin pa rin sa 'yo?

Minamasdan ka't 'di namalayan

Ako'y nakangiti na pala

At tila huminto ang oras

Magkatagpo ating mga mata

'Di makahinga

Ika'y nakangiti na rin pala

Bakit ba tuwing lumalapit ka

Isang eksenang tila ba tayo lang dalawa?

Hanggang kailan kaya ako

Hanggang tingin pa rin sa 'yo?

Minamasdan ka't 'di namalayan

Ako'y nakangiti na pala

At tila huminto ang oras

Magkatagpo ating mga mata

'Di makahinga

Ika'y nakangiti na rin pala

Ang sikat ng araw ay bumabahaghari

Dala'ng mga ulap na umaaligid

Sumasabay sa kulay-rosas na hangin

Halimuyak ng narra'y tumutulak-bibig

At ang mga ibon ay nagdadalang-awit

Kasabay ang tambol dito sa aking dibdib

'Di na alam kung saka-sakali

Madarama ko ay bigla kong masabi

Minamasdan ka't 'di namalayan

Ako'y nakangiti na pala

At tila huminto ang oras

Magkatagpo ating mga mata

'Di sinasadya

Nagmumukhang tanga

'Di makahinga

Ika'y nakangiti na rin pala