🎵

Hiling

Album: Hiling Durasi: 3:55

Ito ay isang dalangin

Huwag sanang ipagkait

Matagpuan na ang hanap

Na pangarap, na pangarap

Kasalanan nga bang umibig?

Parusang lungkot ang hatid

Lamig ng hangin ang yakap

T'wing gabi, t'wing gabi

Pinipilit mang itago, hindi kayang maglaho

Ang mga katanungang tulad ng

Bakit parang sa 'kin lamang may galit?

Madayang tadhana, iyong pansinin

Wala na bang karapatan

Na pagbigyan ang hiling?

Lumilipad ang aking isip

Bigla na lang napapailing

Wala na ngang mapagtuunan

Ng pansin, ng pansin

Pinipilit mang itago, 'di kayang maglaho

Ang mga katanungang tulad ng, tulad ng

Bakit parang sa 'kin lamang may galit?

Ang madayang tadhana, iyong pansinin

Wala na bang karapatan

Na pagbigyan ang hiling?

Nakahanda ang puso

Kahit pa ako ay masaktan

Kung sino mang para sa 'kin, 'di ko sasayangin

Madayang tadhana, iyong pansinin

Wala na bang karapatan

Na pagbigyan ang hiling?

Kung sino mang para sa 'kin, kahit magalit

Madayang tadhana, iyong pansinin

Wala na bang karapatan

Na pagbigyan ang hiling?