🎵

Martilyo

Album: Matrikula Durasi: 4:08

Dito sa amin kung saan nanggaling

Mga makatang ulam at kanin

Lang ang mga payad, pero pumapayag

Upang masubukan at mapatunayan

Lagi Mong tatandaan

Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo

'Wag mo palalampasin ang pag-kakataon

Na pukpukin ang pako para bumaon

Narito na muli ang isang Tao

Di nag-atubi na aking mabago

Ang 'yong pagtingin sa mga taong humahawak ng mikropono

Kahit maputik ay humahakbang

Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak

Bawat tunog nang palakpak sa 'ki'y tumatatak

Pero hindi tumataas aking mga paa

Nakatungtung sa lupa, dahil alam ko na ako'y nasa Pinas

May pila sa bigas

Sila lang ang sikat, na bulsa'y di butas

Para 'di mautas dapat ay matigas ang 'yong mukha

Kahit pa'no'y matikman ang katas ng ubas

Ang problema'y lutas

May maayos na tela

Maong hindi kupas

Ang sabi mo sa 'ki'y ay hindi ko na makakayang habulin

Mga pangarap ko'y ipunin, pagkatapos ay higupun

Higupin nang higupin parang baso na may yelo

Ilan pa bang salita ang dapat kong banggitin na laging bumebwelo

Bueno, Yaman din lamang na kayo'y narito na

Sige pakinggan ang bagong nasulat kong kanta

HOY!

Lagi Mong tatandaan

Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo

'Wag mo palalampasin ang pag-kakataon

Na pukpukin ang pako para bumaon

Hindi mo kayang pigilan

Hindi mo kayang galusan ang puso kong balot nang bakal

Na patuloy, patuloy sa pag-tibok

Humihinga kahit amoy bulok

Walang tigil sa pag-subok kahit parang ga-buhok lang ang pusibilidad

Mula sa murang edad sa pawis laging babad

Kumakayod sa syudad

Akinse o atrenta, kilo o delata

Kanin na mas mura pa ang CD na perata ng bata na si Pollisco

Si Gloc ba kamo? (Mismo)

Bawat plema nang pangungutya ay tiniis ko

Listo pa rin kahit na inaantok

Baka may mapanaginipan akong kanta na patok sa masa

Na para bang ito'y nagsisilbing pang lunas

Hindi maalis para bang sinbuyas kahit na ika'y maghugas ng kamay

Gamit ang baretang sabon ni Inay

Bawat salitang ginagamit ang isip Mo'y tinatanggay ng tula ko

Tandaan mo wala pang nagbabago

Pagpinalo nang martilyo lulubog ang pako

Dito sa amin kung saan nanggaling

Mga makatang ulam at kanin

Lang ang mga payad, pero pumapayag

Upang masubukan at mapatunayan

Lagi Mong tatandaan

Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo

'Wag mo palalampasin ang pag-kakataon

Na pukpukin ang pako para bumaon