🎵

Pelikula

Parang sine, ako’y naglalakbay

Sa istorya, ng aking buhay

At bawat sandali, ay inaabangan ang kwento

At ang bida, ay ikaw at ako

Na nagsumpaan, sa isang puno

Inukit ang puso, at nanaginip na di maglalayo

[ Refrain ]

Ngunit bakit sinabi mo na ako’y

Iiwan mo...

[ Chorus 1 ]

Sandali nga, teka lang

Bakit hindi natin subukan na

Ituloy ang ating nasabing sumpaan

Sinasabi, sinisigaw ng puso at isip ko

Ako’y iyong iyo

Bakit pinabayaang umabot tayo

Sa gan’to...

[ Chorus 2 ]

Sandali nga, teka lang

Bakit hindi natin subukan na

Ituloy ang ating nasabing sumpaan

Sandali lang, teka lang

Bago sabihin at kalimutan ang

Ating kwento

Sa pelikulang aking mundo

*Instrumental break*

Sandali nga, teka lang

Bakit hindi natin subukan na

Ituloy ang ating nasabing sumpaan

Sandali lang, teka lang

Bago sabihin at kalimutan ang

Ating kwento

Sa pelikulang aking mundo

Sa pelikulang aking mundo...