🎵

Tag-ulan

Album: OPM After Image - Tag-Ulan Tag-Araw Durasi: 4:36

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama

'Di malaman san tutungo

Naghahanap, nag-iisip kung saan babaling

Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika'y nalulumbay, 'di maka kita

Nais mo na may makasama

Sa iyong lungkot akala mo ika'y nag-iisa

Narito ako't kapiling ka

Kung nais mong ika'y lumuha

Ako'y makikinig

Sa bawat salita

Kapag umuulan bumuhos ang langit sa'yong mga mata

Kapag mayroon unos ay aagos ang luha

Ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan

Kay rami nang mga tanong sa'yong isipan

Nais mo lamang ay malaman

Bakit nagka ganoon ang nangyari sa'yong buhay

Tanong mo man sa akin, 'di ko alam

Handa akong maging tanggulan

Sa tuwing sasapit sa'yo ang tag-ulan

Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa'yong mga mata

Kapag mayroon unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa

Ako'y naririto, naghihintay lamang sa'yo

Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, Kaibigan!

Kaibigan!

Kaibigan

Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa'yong mga mata

Kapag mayroon unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa

Kaibigan

Kaibigan

Kaibigan

Kaibigan