← Kembali
🎵

Tangi Kong Kailangan

Heto na naman ako nagtataka, nalilito

Na para bang ako'y hindi nababagay dito

Sino nga ba ako 'yan ang tanong ko

Sa sarili ko, sarili ko

Sana lahat tayo'y nagkakaintindihan

Sana wala tayong nasasaktan

Kung puwede lang, kung puwede lang

Puso natin ay buksan

Kahit ako'y takot

Kahit ako'y nalulungkot

Kahit puso ko'y nasasaktan

Taas-noo ako ay lalaban

Haplos ng pag-ibig

Dito sa puso ko

Ang tangi kong kailangan

Sana makilala mo kung sino ba talaga ako

Sana'y maramdaman mo

Ang laman ng aking puso

Sana lahat tayo'y nagkakaintindihan

Sana wala tayong nasasaktan

Kung puwede lang, kung puwede lang

Puso natin ay buksan

Kahit ako'y takot

Kahit ako'y nalulungkot

Kahit puso ko'y nasasaktan

Taas-noo ako ay lalaban

Haplos ng pag-ibig

Dito sa puso ko

Ang tangi kong kailangan

Walang mayaman, walang mahirap

Walang nasa taas, wala nasa baba

'Pag puso ng tao ang tanging sukat

Isang magandang umaga ang

Naghihintay, naghihintay...

Kahit ako'y takot

Kahit ako'y nalulungkot

Kahit puso ko'y nasasaktan

Taas-noo ako ay lalaban

Haplos ng pag-ibig

Dito sa puso ko

Ang tangi kong kailangan

Ang tangi kong kailangan...

Sapat na ito...