Alab Ng Puso - Abra
[Intro] Hawak ko ang kinabukasan At wala akong dapat katakutan Kahit masaktan man at masugatan Alay ko buhay kopara sa katarungan Yo! Abra [Verse 1] Isinilang sa mundo punong puno ng pagdurusa Unang pagtanglaw ng ilaw may tumutulo na dugo sa 'King mga kamay panay aray lang upang ibigay Ang buhay ko na may kasabay pa ng luha ni inay Dun ko nalaman na ibig sabihin Kung pa'no mabuhay para sa iba Tulungan sila na walang gustong kapalit Lalo na kung may naaapi na At sa kabila ng mga pagsubok ay napiling pahalagahan Ang aking mga kababayan Imbis na isipin ang sariling kapakanan Talagang palaban, sa anuman na hamon ay ayaw tumanggi Taas noo, banat buto, kapag dugong kayumanggi Mula pa noon hanggang ngayon Taglay ang purong kagitingan Di mapipigilan ang alab ng puso at isipan Kapangyarihang batay sa kabutihang loob Kahit tamaan ng kidlat kayang takutin ang kulog Kwento ng buhay ko ay mapusok, Iba't ibang tema na ang tinumpok Aakyatin ang bundok hanggang dun sa tuktok Bago 'to malagyan ng tuldok kasi... [Chorus] Hawak ko ang kinabukasan At wala akong dapat katakutan Kahit masaktan man at masugatan Alay ko buhay ko para sa katarungan Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig Para sa bawat dapa handang tumindig [Hook] Minsan... napapaisip ako Bakit andaming naghihingalo? Masamang panaginip ba 'to? [Verse 2] Imbis na luwalhati laganap ang dalamhati Umaaraw, umuulan ngunit walang bahaghari Madalas ay hindi patas ang mga alituntunin Nagbabakasakaling tukuyin ang aking tungkulin Na ipaglaban ang karangalan ng mga taong inalipusta At alagaan ang kayamanan na hindi lamang galing sa bulsa Dapat bawasan ang katamaran dahil pagkakabigo ang multa Magkapangalan sa kasaysayan tingalain kahit san pumunta Talagang subok na, mabilis tumugon Kapag nakarinig ng saklolo Kahit na walang utang na loob tila handa pa ding mag-abono Kasi madaling mabuhay para sasarili lamang Pero para bang baliwala pag wala nang ibang makikinabang Sa kapangyarihang dulot ng kabutihang loob Kahit tamaan ng kidlat kayang takutin ang kulog Kwento ng buhay ko ay mapusok, Iba't ibang tema na ang tinumbok Aakyatin ang bundok hanggang dun sa tuktok Bago 'to malagyan ng tuldok kasi... [Chorus] Hawak ko ang kinabukasan At wala akong dapat katakutan Kahit masaktan man at masugatan Alay ko buhay ko para sa katarungan Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig Para sa bawat dapa handang tumindig [Outro] Kahit sino, pwedeng maging bayani Kailangan lang ng lakas ng loob, tiwala sa sarili Handang magsilbi sa kapwa nang walang inaasahang kapalit At para sa'kin... 'yan ang alab ng puso
Artist: Abra
Title: Alab Ng Puso