🎵

Alalut

Album: Alalut Durasi: 3:50

Hook:

Kahit na anong sabihin ng mundo

Kahit na ang isip ko gulong gulo

Palaging tinotodo bawat gagawin

Patuloy balang araw makakarating x2

Verse 1:

Sa dapat puntahan uh madaming klase ng daan na dapat lusutan yeah

Oh ano? suko na? Hanggang dyan ka nalang?

Tayo ka dyan sige ka maiiwanan ka nyan

Alam mo bang mabuhay sa mundo minsanan lang yan

Bakit di pa natin bibigyan ng kahulugan hmm

Kuha na kapag nagkakatitigan

Iabot mo patago baka magkahulihan yeah

Sobrang kalmado, paduyan duyan

Nagiisip buga ng usok nagiging unan

Naglalakihan na gusaliy napapalibutan ang kapirasong katawan kong pinaliliguan

Ng enerhiyang minsan, ko lang kung matipuhan.

Mahalaga at matagal ko tong pinagipunan

Umabot na sa puntong la na nga ring pagkukunan

at Nagawang palaguin sarili lang puhunan.. panis

Di ko alam kung san to papunta o anong kasunod nitong mga ginagawa ko. Nakakalito nakakagulo pero bqsta

Hook:

Kahit na anong sabihin ng mundo

Kahit na ang isip ko gulong gulo

Palaging tinotodo bawat gagawin

Patuloy balang araw makakarating x2

Sa dami kong pangarap kukulangin ang taon dahilan upang kilusan na na ngayon hmm

Dibale nang kumarga ng kahon kahong pasanin ayos yon.

kesa ihiling ko sa balon ang katuparan ng misyon.

Komplikadong sitwasyon, at direksyon

Ang daming mga pagkakamali, na may leksyon

Na wag kang magpapapasawi sa emosyon

Didakasyon, mo sa sarili at pamilya mo unahin

Bigyan ng lakas, isabay,,, mo sa pagkain

Di patatagusin kung may mababaw na hangarin

Ayos lang, kayod lang men... Sana palarin

Sana palarin, sana yumaman sana dumami

Wala din masama sumubok magbakasakaling

Makawala at may magbago saking buhay

Salamat sa lahat ng nagbigay ng kulay