🎵

Ang Liwanag

Album: Ang Liwanag Durasi: 4:01

'Wag mong harangan ang daan papunta sa 'yong mga ngiti

Sasamahan ka hangga't ang tamis ay mabawi

Iyong sarili'y pagmasdan, kung ga'no ka kahalaga

Sumandal, hindi hahayaang mag-isa

Palagi mong ilagay sa isip mo (ooh)

Na malabo kitang iwanan (iwanan)

Malabo kitang bitawan

(Oh-whoa) tumingin sa 'yong paligid

(Oh-whoa) puno ka ng pag-ibig

(Oh-oh) ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan

(Oh-whoa) ikaw ang ibig sabihin

(Oh-whoa) ng ligaya sa dibdib

(Oh-oh) ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim

Manalig ka na kaya mo dahil may darating pa na kung ano

Maghintay, basag na isip, mabubuo

Bumalik ka sa akin kapag nakuha mo na ang 'yong gusto

Sabay abutin, tawanan ang mapagbirong mundo

Palagi mong ilagay sa isip mo (whoa-oh, oh-oh, oh-oh)

Na malabo kitang iwanan (iwanan)

Malabo kitang bitawan

(Oh-whoa) tumingin sa 'yong paligid

(Oh-whoa) puno ka ng pag-ibig

(Oh-oh) ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan

(Oh-whoa) ikaw ang ibig sabihin

(Oh-whoa) ng ligaya sa dibdib

(Oh-oh) ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim

Ooh, hindi ka na dapat mangamba

Ako ang kasama mo at nakahanda

Ako na sa kanila ay ipaglaban ka

Subukan man nila tayong sirain

Ay malabo nang mangyari dahil

Pagmamahal pa rin ang mananaig sa 'tin

(Oh-oh) tumingin sa 'yong paligid

(Oh-oh) puno ka ng pag-ibig

(Oh-oh) ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan (kay gandang tignan)

(Oh-whoa) ikaw ang ibig sabihin

(Oh-whoa) ng ligaya sa dibdib (hey)

(Oh-oh) ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim

Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim