← Kembali
🎵

Awit ng Panahon

Album: Awit ng Panahon Durasi: 4:30

Nagdaan sa panahong isipan ko ay magulo

Naranasan ko na rin ang mabigo, takot matalo

Sa mga kalaban na gusto akong pabagsakin

Naranasan ko na rin ang ulo ko ay hampasin

Um-attack ang mga luha at natutong umiyak

Naransan ko na rin ang puso ko ay mabiyak

Nang iwanan ng asawa na kasama ang anak

Pagkatapos kumanta nakatikim pa ng sapak

Umiiyak kapag naaalala ko ang nagdaan

Nangangarap balang araw na sa'kin palagdaan

Ng aking mga tagahanga ang CD mula sa akin

Habang hawak ang larawan na'ng sigaw pangalan namin

Marami na rin ang mga napalapit sa amin

Ang iba'y naging mabuti, ang iba ay patawarin nawa

Gano'n pa man, sumama ka sa'kin ngayon

Halika na't awitin natin ang awit ng panahon

Ga'no man maging kahirap ang pag-abot ng pangarap

Matutupad lahat ng 'yan basta manalig ka

'Wag na 'wag susuko, patuloy kang lumaban

Magagawa mo 'yan pagdating ng panahon

Panahon na nagdaan, halika't ating simulan

Halika't ating balikan ang mga nakaraan

Kung saan ay naranasan kong matalo't mabigo

Mga daan na nagbigay, 'tsong, ay biglang bumaliko

Halos 'di makawala sa mga problema na pasan

Tila babarag sa akin ang mundo'y nakadagan

Halos wala nang kaibigan kun'di bote lang at alak

Mga dugo sa kamao sa mga poste ay nagkalat

Para bang buong mundo ang aking mga kaaway

Kinakausap ang sarili at nagsasayang ng laway

Dinadamay ang sarili sa'king nararamdaman

Nagtatanong-tanong kung ano pa bang kakulangan

Ang talentong binigay ang ginawa kong paraan

Salamat sa'ting Maykapal na nagsilbi kong daan

At hindi ako sumuko ang lahat ay tinugon

Halika na't awitin natin ang awit ng panahon

Ga'no man maging kahirap ang pag-abot ng pangarap

Matutupad lahat ng 'yan basta manalig ka

'Wag na 'wag susuko, patuloy kang lumaban

Magagawa mo 'yan pagdating ng panahon

Mula no'ng pagkabata, simula no'ng matutunan kong sumulat

Pinangarap balang araw na ako'y maging katulad

Ng sikat na iniidolo, kaya pinipilit kong

Isulat at sabihin ang lahat ng iniisip ko na tema

Alam kong masarap sa mga tenga ng mga makikinig

Pangalan ko naging pruweba

Nakilala ng marami, hinangaan sa pag-awit

Marami ang umidolo, marami ding nagalit

Na hindi ko talaga alam kung anong dahilan

Buti na lang ay mas maraming gusto pa akong kampihan

Patuloy sa'king paghakbang sa pagtupad ko ng layunin

Ga'no man kalayo ay nagagawa ko pang dayuhin

Para matupad ko ang pangarap ko no'ng umpisa

Sa tulong ng Panginoon, kabilang na 'ko sa isa

Na kahit pano'y nakilala at naririnig ngayon

Samahan mo 'ko sa pag-awit ng awit ng panahon

Ga'no man maging kahirap ang pag-abot ng pangarap

Matutupad lahat ng 'yan basta manalig ka

'Wag na 'wag susuko, patuloy kang lumaban

Magagawa mo 'yan pagdating ng panahon