🎵

Babala

Sige na halika pakinggan ang mga salitang binibitawan ng isang makatang di

Malaman ng mga kalaban kung paano makakauwi ng mga takteka na ginagamit na

Pinakamalupit sa laro kapag ako ang nakapagsabayan sa mga katunggali na

Uuwi sa kamatayan na hindi namamalayan kung paano ko to hinatid na mga

Salita na babala at pinababatid huwag munang subukang tapatan ang mga banat

Na napatikim namulat sa mga malulupit imulat ang mga mata upang iyong

Maunawaan na kahit gaano karami di magagawang unahan ang mga kalaban sa mga

Maturing kataga kahit ako pa mag-isa wala kayong magagawa sinimulan ko noon

Hanggang ngayon ako pa rin ang pinakamatibay sa 'kin namulat ang lupain,

Siobal D. Sa lupa na to pinanganak di ko na mabilang ang mga kalabang

Sinibak sa pamamagitan ng balang pinapakawalan pag binihag na kita di ka na

Papakawalan ng buhay sige na halika sumabay pag hinawakan ang mikropono

Handa ng pumatay ako lang mag-isa hindi ko na kailangan na iba isa ka lang

Sa mga tinapakan ng paa ng ako ay lumitaw ikaw ang unang dumilim noong wala

Ka na wala sinuman sa 'kin tagilid ang mga kalaban na hindi man lang

Pinag-isipang kalabanin ang isa sa mga pinakamatibay hindi nakakawala sa

Mga kapahamakan na dulot ng kayabangan at mga kapangahasan makinig sa 'king

Mga babala nagpahiwatig na paparating na sakuna di mo na pwedeng pigilan

Aking pag-atake sa lahat ng aking mga biktima ang pangalan ko'y David

Batang Mandaluyong na wala man lang katakutan sa katawan kahit na ga'no

Karami ang mga kalaban ko ako lang mag-isa kayang kong tapatan sige subukan

Mong hamakan aking mga salita na para bang ako mitsa napakaraming patalim

Tiyakin mo lamang na kaya mo kung sabayan pag nagsimula ng dumilim ang

Aking paningin simulan mo nang bilangin aking mga salita at kung ilang mga

Kalaban ko pinataob para di ka na magulat pag ikaw ay napabilang sa king

Mga biktima walang samaan ng loob ilang taon na ba ang dumaan mula ng

Binitawan ko ang mga susunod na kataga na para bang sakit na di mo malaman

Kung bakit ba hanggang ngayon sa isipan mo tumataga

Repablikan, hindi mo malaman kung malalampasan ang mga kataga, mga salitang

Binibitawan ko sa harapan mo na parang isang babala kaya mo na ba tagalan

Sabayan ang mga buga ng aking mga salita wala ka ng magagawa sa 'kin ba 'to

Hindi ka na makakawala... Repablikan