🎵

Bakit?

Album: My First Romance (Original Motion Picture Soundtrack) Durasi: 4:27

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Nang una kitang makita sa may Ermita

Hindi ko na namalayan kung bakit na para bang ako'y naakit

Nang ika'y lumapit, tinanong ko ang 'yong pangalan at ang 'yong telepono

Pero sabi mo, 'di mo kinakausap ang mga katulad ko

Walang pera, walang kotse, 'di doble-doble ang cell

Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis lumakad, 'di naman ako manyakis

At walang labis, walang kulang ang sinukli ko sa 'yo

Balot! Eto pa, sige, dalhin mo na lang sa inyo

Kahit na wala akong kitain, walang makain

Basta't alam mo lang kung ga'no kahalaga sa akin

Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran) at mapagsilbihan (pagsilbihan)

'Pagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Sa loob ng aking kuwarto, sa loob ng banyo

Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato, kinunan ko sa may kanto

Ipinakuwadro ko pa nang sa gano'n ay lagi tayong magkasama

Araw man o gabi, kahit sandali, sa hirap man o ginhawa

Ikaw at ako magpakailanman na para bang mga palabas sa sine

Alam mo na para bang imposible pero pwede ka bang mailibre

Sa kanto ng lugaw, palamig, siomai o siopao?

Baka pwede, 'wag kang masyadong matakaw?

Sige na nga, pero pwede bang dumalaw?

Pagmamahal ko sana ay tanggapin mo

Pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Siguro naman ngayon ay alam mo na kung ga'no kawagas ang aking pag-ibig

Simula sa laman hanggang sa litid, kailaliman ay sinisisid

Pero bakit ginamit? Puro luha at pasakit

Makalipas ang mahabang panahon, ang aking pagmamahal ay napilitan ng galit

Nang nakita kita na may kasamang iba

May dala-dala pa naman akong regalo, matagal kong pinag-ipunan, kinuha sa alkansiya

Naglalakad habang lumuluha, tinititigan ang lupa

Sinungaling ang mga baraha na tinanong, hindi naman natupad ang kanilang mga hula

Wala nang dahilan para mabuhay, naging abo, wala nang kulay

Akala ko no'ng una, tayo nang dalawa, ilang taon din naman akong naghintay

Paalam na, aking mahal, ako ay 'di na magtatagal

At tanging ang 'yong pagbalik ang siyang aking ipagdarasal ('pagdarasal, 'pagdarasal)

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)

Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Bakit hinahanap ka?