🎵
[00:04.80]Sa mundong mapanghusga, mapangmata, at mapanuri
[00:08.98]Dapat hindi ka basta-basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri
[00:14.68]Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri
[00:19.39]Sabi sa 'kin ni Bathala, "Matapang ka pala"
[00:21.60]Pusong leon kaya dibdib mo ay walang mga daga
[00:24.23]Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang
[00:27.07]Samantalang ang kapalaran ay sa mga tala nakatala?
[00:30.46]Kaya pala parang tamad na mag-aaral, walang kadala-dala
[00:34.07]Walang pang baon, pero kahapon pa ako handa
[00:36.62]Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka
[00:39.24]Inakyat ang kabundukan at maghapong naggala
[00:41.62]Inabutan ng dilim, muntikan na 'kong mawala
[00:44.07]Sa sarili ko, 'pag gapang ko, wala 'kong makapa
[00:46.31]Nasa dulo na pala ng bangin, wala nang kawala
[00:49.05]Tumalon na lang kaya ako, kakayanin ko kaya?
[00:51.58]Kaya ako'y napadasal, sabay salto padapa
[00:54.03]"Bahala na si Batman," 'yan ang saktong kataga
[00:56.49]'Tsaka na 'ko gagawa ng mga pakpak ko pababa
[00:58.75]Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
[01:01.96]Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan
[01:08.41]Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
[01:13.08]Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko
[01:19.07]Andami talagang nais manira ng pangalan
[01:21.29]Ngunit karamihan ay takot tumira ng harapan
[01:23.71]'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
[01:26.00]Ngingitian ko na lamang at (yayakapin ko)
[01:29.22]Kahit ga'no kapait ng naranasan
[01:31.29]Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
[01:33.46]Walang awang tadhana ay tatawanan
[01:35.32]Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (yayakapin ko)
[01:38.63]Sabi sa 'kin ni santanas "Mayabang ka pala"
[01:40.95]"Tuturuan kita kung paano magpakumbaba"
[01:43.30]"'Di ka na maiisasalba ng mga kanta mong gawa"
[01:45.91]"Pa'no mo tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla?"
[01:48.14]"Binaba ang dangal at nagpakahangal, para lang ikaw ay mahalin ng madla"
[01:50.80]"At biniyayaan ng katanyagan, kaso lang halata na hindi ka handa"
[01:53.34]"Kaluluwa kapalit kasikatan, 'yan ang usapang nakatakda"
[01:55.72]"Sa kontratang 'to na may pangalan mo na nakalagda"
[01:58.17]Teka lang, 'wag ka pakasigurado, 'di mo pa ako pag-aari
[02:00.51]Dahil ang titulo ng kaluluwa ko'y nasa akin
[02:03.23]At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin
[02:06.02]Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata
[02:07.83]At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik
[02:10.81]Balewala ang pagod at sakit, basta pag-uwi, yakap at halik
[02:13.14]Ng aking asawang malupit at dalawang anak kong makulit
[02:15.28]Para sa kanilang kapakanan, gagawin ko lahat, anuman kapalit
[02:18.00]Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
[02:21.18]Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan
[02:27.58]Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
[02:32.35]Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko, oh
[02:41.54]Ano man ang hangarin sa akin ng langit, kakayanin ko, oh
[02:50.99]Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin ay tila balewala
[02:58.14]Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait (tila balewala)
[03:02.81]Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit (tila balewala)
[03:07.99]Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik (tila balewala)
[03:12.35]Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
[03:14.92]Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik
[03:17.92]Tinanggap ang walang kwentang mga hamon
[03:20.14]Para bilhin si Loonie, binenta ko si Marlon
[03:22.48]Matalo man ngayon, bukas ang pwersa ko'y babangon
[03:24.94]Pangako, mas malakas pa ng triple kaysa sa kahapon
[03:27.28]At kung putapete ang kadebate, pare, 'di bale na lang
[03:29.64]Walang pakialam, miski hirangin pinakamayabang
[03:32.24]At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala
[03:34.89]Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya
[03:37.19]Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
[03:40.35]Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan
[03:46.84]Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
[03:51.51]Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko, oh
[04:00.53]Ano man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko, oh
[04:10.26]Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin ay tila balewala
[04:16.95]Andami talagang nais manira ng pangalan
[04:19.25]Ngunit karamihan ay takot tumira nang harapan
[04:21.80]'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
[04:24.36]Ngingitian ko na lamang at (balewala)
[04:27.30]Kahit gaano kapait nang naranasan
[04:29.19]Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
[04:31.56]Walang awang tadhana ay tatawanan
[04:33.58]Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (ay, ay, ay, ay)
[04:36.97]Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait (balewala)
[04:41.82]Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit (balewala)
[04:46.92]Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik (balewala)
[04:51.47]Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
[04:53.76]Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik
[05:11.84]🎵