🎵
[00:32.53]Flip-D on the beat!
[00:34.15]Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
[00:37.14]Imbis mag-banat ng buto
[00:39.42]Nag-unat ng butong may kasamang hikab
[00:41.47]Ganun katamad!
[00:42.78]Sa bayabasan ka magaling mag-abang ng malalaglag
[00:45.40]At nagtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka nang nakakapkap
[00:49.74](Clap clap clap)
[00:51.10]Ang hilig mo sa teka muna
[00:52.77]Kaya imbis salapi ang nakuha mo muta
[00:55.36]Punto ko sana makuha
[00:56.97]Na baka sa kakahiga mo ay jan ka ma-kuba
[00:59.37]Anong misyon mo sa lupa? magpatigas ng batuta?
[01:02.23]Paramihin ang populasyon
[01:04.30]Ganyan ba talaga pag walang ambisyong mataas 'di nalulula?
[01:07.84]Buti pa tupa napapastol
[01:10.90]Ikaw puro angas tol
[01:13.03]Halatang nagpapanggap pag nasa labas ng door
[01:17.03]Iba-ibang palabas kaya madalas mag mall
[01:21.24]Akala mo lang nakakahabol kana pero 'di ka pa pala nakaka-score
[01:25.74]'Di lang pala yung tulog yung pwedeng may mapanaghinipan (pati gising)
[01:30.21]'Di rin pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan
[01:34.16]Pag may nahiligan 'di madalian, 'di madali yan
[01:38.48]Ba't di pag igihan sige ika'y mag-pursige kasi 'di pa huli
[01:43.06]Pero sa'yo yan naka dipende
[01:45.09]'Di yung nakabase ka sa swerte
[01:46.87]'Di laging pu-pwede na yung pwede lang
[01:48.85]Kung pwede nga isipin na walang bagay na hindi pwede
[01:51.48]Syempre! 'di araw araw abente-singko ng desyembre
[01:54.14]Darating at darating ang peste
[01:56.02]Yan ang dapat mong pag handaan
[01:57.42]Kasi buti pa yung leche flan ay may plano kahit leche
[02:00.48]Akala ko ayaw mo ng de-lata?
[02:02.57]Pero lagi kang nakahilata
[02:04.84]Akala ko ayaw mo tumunganga?
[02:06.96]Pero inuuna mo bunganga
[02:09.25]Akala ko gusto mo ng biyaya?
[02:11.24]Pero lagi kang nakatihaya
[02:13.30]Sarili mo din ang dinadaya
[02:15.76]Kasi sa katamaran mo siya niyaya
[02:20.12]Dapat kasi 'di ka pumapayag
[02:24.27]Ikaw din naman ang mahihirapan
[02:28.34]Tyaka ikaw din ang manghihinayang
[02:31.98]Sa masasayang
[02:33.91]Hoy BATUGAN 'di kapa mayaman wala ka pang matabang wallet
[02:37.14]Bakit 'di ka makabangon baka
[02:38.72]Bakal na muka mo tapos unan mo naman magnet
[02:41.81]Pahiga-higa lang sa higaan
[02:42.96]'Kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit, iba ka hanep!
[02:46.16]'Di nagpa-panic, Sanay ka bang walang budget
[02:48.65]O sadyang wala ka lang target?
[02:50.31]Yung iba namang mga tamad ay meron din kakaibang mindset
[02:54.47]Kaso lang hindi natin alam
[02:56.12]Kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
[02:59.09]Pag walang-wala at pagka-kailangan
[03:01.03]Ay sa patalim kumakapit pag walang AREP
[03:03.32]Sige ang dale, sige ituloy mo pa pare hangga't hindi kapa sumasabit
[03:07.77]Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi
[03:11.49]Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi yan nakakabilib
[03:15.50]Tapos siya pa yung galit sayo sapilitan
[03:17.51]Yun naman ang 'di ko maintindihan
[03:19.72]Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
[03:22.12]Kahit paulit-ulit mo pa sige-han mali kana
[03:23.90]Kahit na isang beses mo lang hindi-an
[03:25.79]Sa mga naririnig mo sana naka tutok ka
[03:28.36]Para matuto kanang sira ulo ka
[03:30.06]Ang sakit mo na sa ulo kase baka yung sakit mo nga ay nasa ulo na
[03:33.54]Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
[03:35.61]Kapag hindi ka ngumuya ng ngumuya mabuhulunan ka
[03:38.27]Naman o 'di kaya bibig naman ay bubula
[03:40.21]Kasi hindi to labanan ng patigasan ng muka
[03:42.02]Kaya matuto mahiya!
[03:43.18]🎵