🎵

Buni

Album: Grin Department Durasi: 4:33

Kinamot ang kan'yang buni

Kinamot ang kan'yang buni

Masarap kamutin ang buni n'ya sa hita nya

Lalo't sariwa pa at mamasa-masa pa

Sige na, kamutin mo pa ang buni mo sa singet mo

Lalo't ito'y namimilog at makate

Namaga ang kan'yang buni

Namaga ang kan'yang buni

Magang-maga ang buni n'ya sa hita n'ya

Hindi na s'ya makatayo, makahiga

Hindi na s'ya makalakad dahil

Magang-maga na ang buni n'yang sobrang kati

Nagnana ang kan'yang buni

Nagnana ang kan'yang buni

May mata pa ang buni n'ya sa hita n'ya

Nagmukha tuloy itong bulkan nang ito ay mapisa

Umagos ang dugo, sige pare pisain mo pa

Itong buni mong tinubuan ng maraming nana

Inoperahan ang kan'yang buni

Inoperahan ang kan'yang buni

Pinag-aralan ng mga doktor ang buni n'ya

Ito'y masusing kinalikot ng mga dalubhasang

Espesyalista ay nangangayaw na sa kan'ya

Ang buni n'yang nagpapahirap sa kan'ya

Nagcancer ang kan'yang buni

Nagcancer ang kan'yang buni

Wala ng pag-asa ang buni n'ya sa hita n'ya

Talamak na daw ito, may taning na ang buhay n'ya

Surrender na ang ospital, taas na ang kamay nila

Sa buni mong masarap at makati

Patay na s'ya dahil sa kan'yang buni

Patay na s'ya dahil sa kan'yang buni

Lalamay ka ba sa kaibigan mong namatay sa buni?

Sige na, pare, maawa ka kahit ka muna magkape

Sige na mag-abuloy ka kahit magkano na lang pare

Kawawa naman ang kaibigan mong namatay sa buni

Ikaw ay mayro'ng buni

Ako, wala akong buni

Kaya tayo mag-ingat sa buni