🎵

Dalawang Letra

Album: Biyaheng Langit Durasi: 3:47

Hindi ko malaman, kung saan pupunta

Ang tono nitong kanta

Pababa, pataas, tumatalon-talon

'Di maipaliwanag kung paano ba ang aking gagawin

Para ma-win

Para ma-win ko ang 'yong puso na kay hirap sungkitin

Magsisibak ng kahoy at ika'y pag-iigib

Lahat ng 'yong naisin ay handa akong i-give

Gagawin ko ang lahat, baka sakaling sa wakas ay marinig

'Yung dalawang letra, 'yung isang salita

Na pinapangarap ko, oh, please, sabihin mo na

Walang mga panga-pangako, isa lang ang sigurado

Ang puso ko'y sa 'yo

Sagutin mo lang ako ng oo, whoa

Oo, whoa

Sige na, please, 'wag mainis

Gusto ko lang ng matamis mong oo, whoa

Buksan mo na (buksan mo na)

Buksan mo na ang 'yong bintana

At dungawin ang humaharanang

May dala pang bulaklak at tsokolate

Nagbabakasakali na ngayong gabi ako ay swertehin

At 'di barilin (beng, beng)

At 'di barilin ng 'yong tatay na nakaabang na rin

Liligawan ka sa bahay, 'di idadaan sa text

Sasabihin ng 'yong nanay mas gusto ko siya sa ex mo

Sige na anak, sabihin mo na ang nais niyang marinig

'Yung dalawang letra, 'yung isang salita

Na pinapangarap ko, oh, please, sabihin mo na

Walang mga panga-pangako, isa lang ang sigurado

Ang puso ko'y sa 'yo

Sagutin mo lang ako ng oo, whoa

Oo, oo, whoa

Sige na, please, 'wag mainis

Gusto ko lang ng matamis mong oo, whoa

Ngunit nang makarating ako sa bahay ninyo

Nakita ko 'yung bestfriend ko na nakayakap sa 'yo

Ako'y nagulat at nasabing, "Matagal na ba itong nangyayari?"

At ang sagot mo ay oo

Oo, whoa

Oo, oo, hu-hu-hu

'Lang hiya this, anak ni Janice

Ayoko na ng matamis mong oo

Oo, whoa

I'm happy for you both

Joke lang 'yun, ako'y yamot

Bahala na kayo

Sa 'yo na 'yang matamis mong oo

Ayoko na sa 'yo

Makakahanap din ako, oo