🎵

Dambana

Album: Dambana Durasi: 4:46

Uubusin lahat ng oras sa 'yo

Kahit sa sarili lang sigurado

Umaasa na tayo hanggang dulo

Kahit sa huling makikita ng mata ko

Nakakulong lang ako sa 'yong mundo

Walang sinasayang sa salita mo

Ang dahilan kung ba't tayo pinagtagpo

May kulang lang sa buhay ko na ikaw ang bubuo

Pasens'ya na kung nagdadamot ako pagdating sa iyo

Akin ka lang, akin ka lang

Hindi maghahanap ng iba

Akin ka lang, akin ka lang

Sa puso'y ikaw lang nag-iisa

Akin ka lang

Itataya ko nang buo itong puso ko

Ikaw na ang bahala kung sasaktan mo

Darating din tayo sa mga pangako

Pag-ibig kailanman ay hindi maglalaho

Pasens'ya na kung nagdadamot ako pagdating sa iyo

Akin ka lang, akin ka lang

Hindi maghahanap ng iba

Akin ka lang, akin ka lang

Sa puso'y ikaw lang nag-iisa

Oh, akin ka lang (oh, baliw na baliw na sa 'yo, ooh-ohh)

Akin ka lang

Ako'y sa 'yo lang, oh (ooh, sabik na sabik sa 'yo, ooh-ooh)

Sa 'yong sa 'yo lang, woah-woah-woah

(Akin ka lang) akin ka lang, (akin ka lang) akin ka lang

('Di maghahanap ng iba) ng iba

(Akin ka lang) akin ka lang, (akin ka lang) akin ka lang

(Sa puso'y ikaw lang nag-iisa) nag-iisa

Akin ka lang