🎵

Deadma

Album: rocksteddy ph Durasi: 4:27

Matagal ko nang gustong malaman mo

Matagal ko nang itinatago-tago 'to

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

Pwede bang bukas na? Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo

Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita kahit 'di mo lang alam, oh, whoa

Matagal ko nang gustong sabihin 'to

Matagal ko nang gustong aminin sa 'yo

Sandali, heto na, at sasabihin ko na nga

Ngayon na, mamaya, o baka pwedeng bukas na?

Dahil kumukuha lang ng buwelo

Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita pero 'di mo lang alam, oh, whoa

Ngunit kumukuha lang ng tiyempo

Upang sabihin sa iyo, whoa

Mahal kita pero hindi mo lang alam

Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan

Ayaw mo namang itanong sa 'kin

Kasi baka nga naman, hindi naman ikaw

At hindi ko rin naman sa 'yo sasabihin

Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw

Mahal kita pero hindi nga lang halata

Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa

Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala

Pero hindi ako torpe

Hindi ko lang talaga masabi sa 'yo nang harapan

Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam

Hindi mo 'ko titignan, hindi rin kita titignan

Lagi mo lang akong pakikiramdaman

Lagi rin kitang pakikiramdaman

At araw-araw tayong magdededmahan

Hanggang sa tayo ay magkabistuhan

Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko

Nais kong magkaalamanan na

Nais kong ako na rin ang magsabi sa 'yo nang harapan

Kasi alam kong do'n din naman ang tuloy n'yan

At dalawa din lang naman ang posibleng sagot d'yan, "oo" o "hindi"

Kaya't eto na, sasabihin ko na para matapos na

At hindi na magkatsismisan pa

Sasabihin ko na para wala nang problema

At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma