Diploma - Gloc-9
[Intro:]
Ang pangalan ko'y Aristotle Pollisco
Nag-aral sa Binangonan Elementary School
Nagtapos sa mataas na paaralan ng Morong Rizal
Nag-aral ng kolehiyo, nagtigil
Nagpatuloy ng dalawang taon ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pag-aaral
Mula pa nung pagkabata ako ang syang kinukutsa
Sa tambayan ng mayayabang at may laman ang bulsa
Habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon
Laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon
Sa mga panghuhusga na kanilang mga mata
Pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba
At ginamit ang mga pangit at kahit yan ang sinapit
Ay di ko mapapayagan tuluyan akong malait
At maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan
Aking pwedeng lakaran, aking pwedeng tamnan
Ng mga binhing sa kalaunan ay aking pwedeng maani
At aking pwedeng masabi minsan ako ay naghari
Sa palasyo ng pangarap na aking inaasam
Walang nakahadlang kahit na may pasan pasan
Sa bawat letrang sinulat halika ika'y sumama
Sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma
Chorus:
Siya si gloc-9 taga Binangonan Rizal
Isang makatang maririnig sa kahit saang lugar
At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral halika
Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
Isang kapirasong papel na pinahiran ng tinta
Parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta
Ng isang pintor, na inalay ang bawat araw sa buhay
Upang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunay
At kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis
At ang kapalaran ay nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis
Kara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad namin
Mga salitang namulat binuhat sagad sa damdamin
At handang hanapin at hamakin ang nang masabi ko na akin ang
Araw na narinig ang mga sinulat kong salitang
Musmus pa lamang ay dinadalangin
Maranasan ang palakpakan kasabay ng hangin
Ayokong magtunog mayabang sa awitin na to
Pero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na to
Bukod sa taga Antipolong iniidolo ko
Wala na sigurong sasabay sa awiting kong ito kasi
[Repeat Chorus x4]