← Kembali
🎵

Diyos Ay Pag-Ibig

Album: Choir Ng Bayan 2016 Durasi: 3:03

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig

Magmahalan tayo't magtulungan...

Pag-ibig ang siyang pumukaw

Sa ating puso at kaluluwa

Ang siyang nagdulot sa ating buhay

Ng gintong aral at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin

Di mapapawi kailan pa man

Sa puso't diwa tayo'y isa lamang

Kahit na tayo'y magkawalay

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig

Magmahalan tayo't magtulungan

At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin

Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa'ting pagtungo

Ipamalita sa buong mundo

Pag-ibig ni Hesus ang siyang

Sumakop sa mga pusong uhaw sa pagsuyo

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig

Magmahalan tayo't magtulungan

At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin

Na may Diyos tayong nagmamahal

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig

Magmahalan tayo't magtulungan

At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin

Na may Diyos tayong nagmamahal...

Diyos ay Pag-ibig...