Dramachine - Sugarfree

Ayaw na nyang bumangon
Sa kama lang maghapon
Mukha nya'y parang langit na
Malapit nang umambon
Ayaw na nyang manalig sa tunay na pag-ibig
Bakit daw ba kay bilis mawala ng kilig

Habang bumbaha ng luha di na nya napupuna
Na mayron pang saysay ang buhay
Di nya lang napapansin
Umaandar ang kanyang dramachine

Ayaw na nyang mabuhay
Mundo'y wala ng kulay
Dahan dahan puso niya'y bumibigay
Wag na raw syang umasa
Wag nang magmakaawa
Wala na syang magagawa
Tapos na ang lahat

Habang bumbaha ng luha 'di na niya napupuna
Na mayron pang saysay ang buhay
Di nya lang napapansin
Umaandar ang kanyang dramachine

Lahat tayoy nasasaktan
Madalas naiiwanan
Di alam kung bakit ba nangyayari yan
Pero wag kang magpapadala
Kung madapa bumangon ka
Buhay mo'y tuloy pa rin
Wag kang tumulad sa akin

Habang bumabaha ng luha
Di ko na napupuna
Na mayron pang saysay ang buhay
Hinding hindi ko napapansin
Kung umaandar ang aking dramachine
Dramachine
Artist: Sugarfree
Title: Dramachine