Eto Na - Paolo Santos

'Di ko akalaing ito'y magaganap
Pag-ibig mo sa akin ang siyang hinahanap 
Sa gabi at umaga'y di mapakali

'Di ko rin naisip na magkakagan'to
Tuwing kasama ka para bang naglalaro sa langit
'Di ko rin mapigil ang aking ngiti 

Sa paglipas ilang mga taon 
Pagbabago dala ng panahon ay nalaman 
Na tuwing kasama ka mundo'y sumasaya't sumisigla

'Di mapaliwanag ang nararamdaman 
'Di makakapayag na ako'y iyong iiwan 
Naniniwala na tayo ay iisa umaasa sana'y eto na 

Pag namromroblema iniisip ka lang 
Ating pinagsamahan na di matatabunan
Kung sino mang iba dala ng pagkikila ng isa't isa 

Sa paglipas ilang mga taon 
Pagbabago dala ng panahon ay nalaman 
Na tuwing kasama ka mundo'y sumasaya't sumisigla

'Di mapaliwanag ang nararamdaman 
'Di makakapayag na ako'y iyong iiwan 
Naniniwala na tayo ay iisa umaasa sana'y eto na 

Umaasa sana'y eto na
Sana'y eto na 
Sana'y eto na
Sana'y eto na
Artist: Paolo Santos
Title: Eto Na