🎵

Handa Na

Album: Handa Na Durasi: 3:51

Hindi ko na hinanap, ni wala na sa hinagap

Na darating pa ang araw na ito

Na-kuntento na akong magpatangay na lang sa alon

Kung saan man mapadpad ay doon ako

Dahil sa dami ng nakita kong mga pusong di nagkatagpo

Inisip kong di para sa'kin 'to

Ngunit ang bawat pangamba, ang bawat takot ko at duda'y nawala

Nung narito ka na. Ngayon alam ko nang

Ako'y handa na, ang puso kong ito ay handa na

Na mapasaiyo habang buhay

At sa susunod pang magpakailanman

Pangako ko sa'yo

Na ikaw, tanging ikaw

Ang laging pipiliin ko

Akalain mo nga naman, na ang dating wala naman, kaibigan lang ako sa'yo

Ngunit biglang may naramdaman, na hindi pa naramdaman mula nung magmahal itong puso

Nag-alangan pa'ko nung una

Baka lahat ng pinuhunan ay masayang lang

Dahil hindi ikaw

Kaya't aking pinagpanata

Upang ako ay mapanatag

At sinagot naman ang panalangin ko

Ngayo'y alam ko nang ako ay

Handa na, ang puso kong ito ay handa na

Na mapasaiyo habang buhay

At sa susunod pang magpakailanman

Pangako ko sa'yo

Sa isandaang milyong alternatibong mundo

Ikaw at ikaw lang ang hahanapin ko

Dahil ikaw, tanging ikaw

Ang itinakdang sa akin

Ikaw lamang ang mamahalin

Oo ikaw tanging ikaw, ang laging pipiliin ko