Hangad - Gagong Rapper
[feat Missy] Chorus: Nadarama ko na Ako'y mahal mo na Iyo mang pagkaila sa lahat Nararamdaman kita Ngunit heto ako Pilit lumalayo Ayaw kong masaktan ka Pagkat, minamahal kita Hindi naman sa, di ko sa napapansin Ang iyong pagaalaga, at iyong paglalambing Ang iyong mga ngiti pag ako'y masaya At ang iyong mga iyak pag di kita napupuna Minsan saking pag-iisa Habang nakatingin sa malayo Nakatitig ka sakin at sa sarili mo'y nangako Na ako lang at wala na ngang iba Hindi mo man sabihin yan, akin namang nadarama Minsan tayo'y naglalakad ng magkasabay At biglang humawak ka na lang sa aking kamay Sabay ka nagtanong ng 'mahal mo ba ako? ' Sabay bitaw ko sa iyong kamay at ako ay yumuko Gusto mo mang lumuha at tuluyang umiyak Kumagat ka na lang sa labi mo at pinigilan ang patak At nasa isip mo pa din na hindi ka susuko Na balang araw makukuha mo din ang aking puso [Chorus:] Ang sa aki'y pagaabang Ang lagi mong gnagawa Pero sadyang di ko mapawi ang luha sa 'yong mukha Kung alam mo lng sana na sa likod ng mga pagtanggi May mga salita na sadyang hindi ko lng masabi Hindi mo man nakikita di mo man napapancn Ikaw ang dahilan kung bat sa labi my ngiti pa din Gusto ko man tanggapin, pero cguro wag na lng Sa dahilang ang katulad mo ay ayaw ko ng saktan, Anong dahilan, yan na lng ang lagi mong tanong Kapag ika'y iniiwasan ko, sayo'y bumubulong Na baka isang araw malaman mong hindi tlga tau, at unti unting ang yong pag-asa ay naglalaho At sa balang araw, iyo ring malalaman Di kita pwedeng mahalin at dapat kitang iwasan Maiwan na kita at di na ko magtatagal Ang maging maligaya ka sa buhay mo ang tangi kong dasal [Chorus:] Bigla isang araw di mo inaasahan Akala mo ako'y wala na't ika'y nilisan Ika'y biglang bigla at ika'y nagulat Kasi mula sayong likod bigla akong umakap Ako sayo'y tumitig habang hawak ang 'yong kamay Sabay dahan dahan sa dibdib ko'y nilalagay Tumitibok ang puso ko at iyong ramdam Habang binubulong sayo, ikaw ang dahilan Talagang ako ay nagbalik Para sau'y umamin Gusto kong malaman mona ika'y mahal ko din Di kta tnanggap non kasi my di ka pa alm Na sa mundo ngang ito malapit na kong magpaalam Pero bago mangyari yon, gusto kong malaman mo, na wala na kong ibang minahal kundi ang katulad mo Aalis na ko mahal pag-ibig ko'y iyong baunin Kahit na sa kabilang buhay, di kta lilimutin
Artist: Gagong Rapper
Title: Hangad