Hawak Kamay - Yeng Constantino

Minsan madarama mo kay bigat ng problema
 Minsan mahihirapan ka at masasabing "di ko makakaya"
 Tumingin ka lang sa langit
 Baka sakaling may masumpungan
 Di kaya ako'y tawagin
 Malalaman mong kahit kailan

Minsan madarama mo
 Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
 At ang agos ng problema'y tinatangay ka
 Tumingin ka lang sa langit
 Baka sakaling may masumpungan
 Di kaya ako'y tawagin

Wag mong sabihin nag-iisa ka
 Laging isipin meron kang kasama
 Narito ako oh, Narito ako
Hawak-kamay
 Di kita iiwan sa paglakbay
 Dito sa mundong walang katiyakan
 Hawak-kamay
 Di kita bibitawan sa paglalakbay
 Sa mundo ng kawalan
 Sa mundo ng kawalan
 Hawak-kamay, Hawak-kamay
 Sa mundo ng kawalan
Artist: Yeng Constantino
Title: Hawak Kamay