← Kembali
🎵

Ibulong Mo Sa Hangin

Album: In My Life Durasi: 4:35

Kung ako ang iyong tatanungin kung ikaw pa rin

Ang laman ng puso at ng damdamin ay sasagutin

Araw-araw kang inisip, hinangad makita ka

Binubulong sa hangin na mahal kita

Dahil ang pag-ibig ko'y gano'n pa rin para sa 'yo

'Sing kulit ito ng alaala na iniwan mo

Huwag ka sanang magagalit kung maririnig minsan

Ang bulong sa hangin na dumaraan

Na ikaw pa rin ang nais makapiling sa t'wina

Kahit na ngayon ako'y nag-iisa

Iipunin kong lahat ang dasal ng puso ko

Ibubulong sa hangin na dalhin sa 'yo

Ikaw pa rin ang laman ng puso at damdamin

Ikaw pa rin, kung ako ang 'yong tatanungin

Huwag ka sanang magagalit kung maririnig minsan

Ang bulong sa hangin na dumaraan

Oh, at kung ako ang iyong tatanungin, ikaw pa rin

Ang laman ng puso at ng damdamin ay sasagutin

Na walang ibang inisip, hinangad makita pa

Ang bulong sa hangin ay mahal kita

At ikaw pa rin ang nais makapiling sa t'wina

Kahit na ngayon ako'y nag-iisa

Iipunin kong lahat ang dasal ng puso ko

Ibubulong sa hangin na dalhin sa 'yo

Iipunin kong lahat ang dasal ng puso ko

Ibubulong sa hangin na dalhin sa 'yo

Ibubulong sa hangin na ikaw pa rin dito