🎵

Iniwan

Di ba't nangako ka sa akin

Na ako lang ang iyong iibigin

O kay bilis nagbago puso't isipan mo

Pangarap ko'y biglang nagbago

Kay dali mong sabihin

Ang mga salita

At kaydali ring bawiin

Akala ko ay totoo

Bakit umasa pa sa'yo

Pinaglaruan mo lang ang aking puso

[Refrain:]

(At/ngunit) nagmahal ka ng iba

Ang tanung ay kung mahal ka rin nya ba

[Chorus:]

'Pag iniwan ka nya

Narito pa rin ako

Laging naghihintay sayo

'Pag iniwan ka nya

'Wag na 'wag mag-alala

Hinding hindi magbabago ang puso ko sa'yo

Bakit kay hirap mong limutin

Gayong alam ko naman na hindi ka na sa akin

Kahit ano pa ang iyong isipin

'di kaila sa puso ko

Ikaw ang nais makapiling