🎵

Insomya

Album: Circus (25th Anniversary Remastered) Durasi: 2:02

Paggising ko sa hapon, diretso na sa banyo

Haharap sa salamin, shit, kamukha ko na ang siyota mo

Dehins na lang maliligo, wala rin lang tulo

Sisilip sa ref, naghahanap, naghahanap, naghahanap

Agahan ko sa hapon, tanghalian sa gabi

Hapunan sa madaling-araw

Insomya, insomya, insomya, insomya

Pagdating ng hating-gabi, magbabasa na ng diyaryo

Manonood sa TV ng kung ano-ano-ano

Pagdating ng ala-una, pahinga naman muna

Makikinig sa radyo, sa AM, sa FM, at SW (W, W, W...)

Agahan ko sa hapon, tanghalian sa gabi

Hapunan sa madaling-araw

Insomya, insomya, insomya, insomya

Pagsapit ng alas-tres, kalam na ang sikmura

Punta ako sa 7-11, ingat lang sa pigs

CR muna sa Wendy's, score na rin ng gin

Wala nang trapik, ang dami-dami-daming adik

Alas-sais na ng umaga, hindi pa rin inaantok

Nakagat ko na'ng lahat ng lamok, hindi pa rin inaantok

Ubos na rin ang gin, ang ganja, ang sigarilyo

Ubos nang lahat ng bisyo, gising na'ng kapitbahay ko

Agahan ko sa hapon, tanghalian sa gabi

Hapunan sa madaling-araw

Insomya, insomya, insomya, insomya

Insomya, insomya, insomya, insomya