Kadenang Bulaklak - Donna Cruz

Ang wikang ginagamit ng mga puso
Natututunan kahit di ituro
Sa ating buhay, darating ang sandaling
Puso'y tatawagin
Upang kanyang pag-aralan
Ang wikang gagamitin

Puno raw ng kahirapan landas na daraanan
Subalit wala raw katumbas ang kasiyahang matitikman
Sa sandaling na'yong mabatid
Puso mo pala ang narinig
Na nangungusap mula sa iyong dibdib

Ano ang ginagamit na wika sa langit?
Bawat salita kaya doon ay inaawit
Kahit marami ka pang di nalalaman
Asahan mong doon mayroon kang tahanan

Kapag dumami na sa lupa
Pusong marunong mangusap
Sa likod ng bawat ulap
May anghel na papalakpak
Malapit nang mabuo
Kadenang bulaklak

Kapag dumami na sa lupa
Pusong marunong mangusap
Sa likod ng bawat ulap
May anghel na papalakpak
Maaari na muling sabitan
Ng kadenang bulaklak itong daigdig
Upang kanyang kagandaha'y magbalik

Upang kanyang kagandaha'y magbalik...
Artist: Donna Cruz
Title: Kadenang Bulaklak