← Kembali
🎵

Kanino Ba Dapat

Album: Kanino Ba Dapat Durasi: 5:32

Naranasan mo na ba

Ang umibig sa tao na 'di pala para sa 'yo

Pagkatapos mo nang mahalin

Ibigay ang lahat sa bandang huli ay ganito

Paalam sa 'yo salamat sa pagmamahal mo na sa 'kin ipinadama

Naramdaman n'ya na mahal na mahal mo s'ya

Pero bakit mas pinili n'ya pa ang iba

Ang mga mata na papikit habang

Binabalikan ang mga nagdaan

Hindi na malaman anong dahilan

Palaging itinatanong mo kung saan

Nga ba nagkamali at bakit nasawi

Ang pagmamahal bakit dito nauwi

Ang pag-ibig na ibinigay bakit mo nilagay

Sa kalungkutan at pighati

Ito bang sukli pagluhang 'di maikubli

Kapalit ng aking katapatan

At tila parusa aking pagdurusa

Ano ang mali at ako'y nilapitan

Marahil ay 'di na ikaw ang para sa akin

At ako'y 'di para sa'yo

Kung nalaman ko ang dapat mahalin

'Di sana ganito ang natamo

Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo

Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo

Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad

Ang puso kong ito kanino ba dapat

Ginagawa ko naman ang lahat para lamang sa 'yo

Pero bakit mo nagawang saktan ang puso ko

Naatim mo akong iwanan ng nag-iisa

Ano ba ag pagkukulang bakit sumama sa iba

Pinaniwala mo ako sa iyong mga pangako

Pinaikot mo ako sa palad mo at binigo

Nagdurugo ang puso ko pangalan mo ang sinisigaw

Hindi ko lubos maisip kung bakit ka sa 'kin bumitaw

Halos gabi-gabi na lang nagpupuyat sa kakaisip

Kapag nakakatulog ikaw rin ang panaginip

Hanggang kailan kaya ako magiging ganito

Hanggang kailan magtatanong kung bakit ako'y iiwan mo

Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo

Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo

Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad

Ang puso kong ito kanino ba dapat

Gulong-gulo na ang isip ko ng ikaw ay lumayo

Ginawa ko naman lahat ngunit ako sa 'yo ay nabigo

Kanino ba dapat ang pag-ibig na aking inalay

Minahal kita pero bakit sa iba binigay

Pinilit kong balik-balikan ang lahat ng ating alaala

Pero 'di ko magawa na ang sarili'y lumigaya

Pa'no kaya ang gagawin ngayon ika'y wala na

Puro pasakit na lang ba ang tangi kong madarama

Mahal kita minahal mo s'ya ano ba ang dapat na gawin

Para bang ang mundo ko'y huminto at naubusan na ng hangin

Ngunit 'wag kang mag-alala nandito lang para sa 'yo

Handang-handa ko nang punasan ang bawat luha mo

Ganito ba talaga pag-ibig sa una sadya talagang kay saya (minahal kita wala ng iba)

Ang lahat ng ligaya ay nadarama pagkapiling at kayakap ka (ikaw ang laman ng puso ko at wala ng iba)

At para bang ang bawat oras ay sadyang mabilis (oh walang iba)

At ang mawalay ka sa akin ay 'di ko matiis

Mga ninais mo sa 'ting dalawa'y parang bulang nawala (lagi kang sa panaginip ko)

Ang mahalin ka ng tapat ibigay ang lahat pero parang tanga nadapa (ikaw lang laman ng isip ko)

Ang mga paa ko pagod na sa kasusunod makita ka lang na masaya (oh bakit ikaw ay biglang nawala)

Dahil mahal mo ako at minahal din kita mangako ay 'di ko madama (at umaasa ikaw na nga)

Umasa ako sa mga matamis at nakakakilig mong salita (pag ibig ko pala sayo)

Kahit marami akong mga naririnig sa 'yong 'di maganda sa 'yong balita (ang puso kong ito)

Binaliwala ko mga salita nilagdaan sabi mo mahal mo ako (bakit hinayaan pang)

Pero naniwala ako sa mga sabi mo kahit parang hindi totoo (malayo sa iyo)

Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo

Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo

Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad

Ang puso kong ito kanino ba dapat

Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo

Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo

Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad

Ang puso kong ito kanino ba dapat