← Kembali
🎵

Kwento Nating Dalawa

Album: Back to Basics Durasi: 3:55

Paulit-ulit nang nasabi mga pangyayaring ganito

Laman ng sari-saring awitin, tula at iba't-ibang kuwento

Kahit na sa pelikula mula doon hanggang dito

Pilit na gustong hulihin kurot at kilig ng puso

Pero kung ako ang tatanungin

Kung ano aking damdamin

Ngayon, ikaw ay kahati ng buhay ko

Kahit ano pang tula't awitin

Sigurado akong kakapusin

Masukat lang ligaya na dulot mo

Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula

Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa

Paulit-ulit nang nasabi at kay tagal pang hinintay

Pinangarap, pinantasya katuwang ko sa buhay

Ngayong tayo'y magkasama, hindi pa rin makapaniwala

Itong suwerteng dumating sa akin na pumayag kang mahalin kita

Pero kung ako ang tatanungin

Kung ano ang aking damdamin

Ngayon, ikaw ay kahati ng buhay ko

Kahit ano pang tula't awitin

Sigurado akong kakapusin

Masukat ang ligayang dulot mo

Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula

Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa