🎵

LQ

Parang aso't pusa lang

Di magkaintindihan

Maliit na bagay lamang

Kailangan bang pinag-aawayan

Tampuhan na naman

Ano na bang nangyayari?

Heto na naman tayo

Away bati, laging nagtatalo

Paulit-ulit, walang pagbabago

Paikot-ikot na lang

Di ka ba nagsasawa

Sa sistema nating dalawa?

Laging pataasan

Wala namang patutunguhan

Oh ano ba naman

Heto na naman tayo

Away bati, laging nagtatalo

Paulit-ulit, walang pagbabago

Paikot-ikot na lang tayo

*Instrumental break*

Heto na naman tayo

Away bati, laging nagtatalo

Paulit-ulit, walang pagbabago

Paikot-ikot na

Di ka iiwan

Heto na naman tayo

Away bati, laging nagtatalo

Paulit-ulit, walang pagbabago

Paikot-ikot pa

Di ka iiwan

Ikaw lang ang aking mahal...