🎵

Maari Ba

Album: Greatest Hits Durasi: 4:42

Hindi ko alam ang gagawin ko

Sa tuwing ika'y nagdaraan

Lagi akong kinakabahan

Hindi ko alam ang gagawin ko

Tibok ng puso'y naghahabulan

Kapag ika'y pinagmamasdan

Giliw, kung batid mo lang

Ang naramdaman no'ng araw na kita'y makita

Laging nasa isip ka

'Di malimot ang kislap ng 'yong mga mata

Hindi ko alam ang gagawin ko

Lalapit ba ako sa'yo

O hihintayin ko ang lingon mo

Hindi ko alam ang gagawin ko

Baka ako'y iwasan mo

Magtago na lang kaya ako

Giliw, kung batid mo lang

Ang naramdaman no'ng araw na ika'y makita

Laging nasa isip ka

'Di malimot ang kislap ng 'yong mga mata

Maari bang makasama ka

At magmahalan tayong dal'wa magpakailanman

Maari bang makapiling ka

At mag-ibigan tayong dal'wa magpakailanman

Maari ba?

Hindi ko alam ang gagawin ko

Sa tuwing ika'y nagdaraan

Lagi akong kinakabahan

Hindi ko alam ang gagawin ko

Tibok ng puso'y naghahabulan

Kapag ika'y pinagmamasdan

Giliw, kung batid mo lang

Ang naramdaman no'ng araw na ika'y makita

Laging nasa isip ka

'Di malimot ang kislap ng 'yong mga mata

Maari bang makasama ka

At magmahalan tayong dal'wa magpakailanman

Maari bang makapiling ka

At mag-ibigan tayong dal'wa magpakailanman

Maari ba?

Maari bang makapiling ka

At mag-ibigan tayong dal'wa magpakailanman

Maari bang magpakailanman?

Maari ba?