🎵

Magasin

Album: OPM Eraserheads Durasi: 4:12

Nakita kita sa isang magasin

Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green

Isang tindahan sa may Baclaran

Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dalawa?

'Di ko inakalang sisikat ka

Tinawanan pa kita, tinawag mo 'kong "walang-hiya"

Medyo pangit ka pa no'n, ngunit ngayon, hey

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh

Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema

'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili

Ooh, pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon

Rumarampa sa entablado, damit mo'y gawa ni Sotto

Siguro'y malapit ka na ring sumali

Sa Supermodel of the Whole Wide Universe, kasi

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh

Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema

'Pagkat kulang ang dala kong pera (hey)

Nakita kita sa isang magasin

At sa sobrang gulat, 'di ko napansin

Bastos pala ang pamagat, dali-daliang binuklat

At ako'y namulat sa hubad na katotohanan, hey

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh-oh-oh

Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema

'Pagkat kulang ang dala kong pera, hey

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh

Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema

'Pagkat kulang ang dala kong pera na pambili

Ooh, pambili sa mukha mong maganda

Nasa'n ka na kaya? Sana ay masaya

Sana sa susunod na issue ay centerfold ka na, ha, ha, ha-ah