🎵

magda

Album: liham at lihim Durasi: 5:21
[00:12.64]Magdalena, ano'ng problema?
[00:15.21]Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[00:17.79]At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
[00:20.35]Na hanapbuhay mo ngayon
[00:22.82]Magdalena, ano'ng problema?
[00:25.32]Alam naman natin na dati kang nena
[00:27.84]At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
[00:30.48]Ano'ng nangyari sa 'yo?
[00:32.64]Ito'y kuwento ng isang babaeng
[00:38.19]Tulog sa umaga, gising sa gabi
[00:42.94]Ang kaniyang mukha'y puno ng kolorete
[00:48.04]Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
[00:51.69]Simulan na natin ang istorya
[00:53.49]Ako'y kaniyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
[00:58.75]Kuwentong dapat niyong malaman, 'wag nang magbulag-bulagan
[01:03.84]Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
[01:10.01]Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda?
[01:13.93]Na aking kababata mula pa nang pagkabata
[01:16.36]Kami'y lagi magkasama, mga bangkang papel sa sapa
[01:19.06]Kaniyang ngiti, lumiliwanag ang paligid
[01:21.46]At 'pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
[01:24.20]Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
[01:26.56]Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
[01:28.80]Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
[01:31.49]Ang bibig at pintig ng puso para sa kaniya
[01:33.96]At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
[01:36.68]Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos
[01:38.97]Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila
[01:41.92]Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila
[01:44.72]Magdalena, ano'ng problema?
[01:47.07]Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[01:49.56]At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
[01:52.24]Na hanapbuhay mo ngayon
[01:54.76]Magdalena, ano'ng problema?
[01:57.11]Alam naman natin na dati kang nena
[01:59.86]At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
[02:02.48]Ano'ng nangyari sa 'yo?
[02:04.76]Maraming taon, ako'y nalipasan, pinilit ko mang takasan
[02:10.46]Bagkus ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
[02:15.23]'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
[02:21.54]Minamahal ko siya, hahanapin ko si Magda
[02:25.50]Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
[02:27.88]Sa lugar na ang sabi'y kaniyang pinagtatrabahuan
[02:30.64]Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
[02:33.09]Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan
[02:35.63]Ang kaniyang mata at tamis ng kaniyang ngiti
[02:37.98]Dahil ubod ng saya, hindi na nag-atubili
[02:40.01]Agad pumasok sa silid, pero bakit ang dilim?
[02:43.16]Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
[02:45.45]Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta
[02:47.96]Sa maliit na entablado ay nakita ko na
[02:50.82]Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot
[02:53.25]Bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[02:55.73]Ito'y kuwento ng isang babaeng
[03:01.12]Tulog sa umaga, gising sa gabi
[03:05.74]Ang kaniyang mukha'y puno ng kolorete
[03:11.20]Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
[03:14.60]Ituloy natin ang istorya
[03:16.31]Agad siyang sumama sa 'kin, walang kakaba-kaba
[03:18.62]Ang trato niya sa 'kin ay nobyo, tila kataka-taka
[03:21.23]Bumaba sa taksing pinara sa may Sta. Mesa
[03:24.09]Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
[03:26.38]Kung ito ay panaginip, ayoko nang magising
[03:28.87]Ngunit ako'y nanaginip, umaga na nang magising
[03:31.65]Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
[03:34.10]Liham para sa 'kin na isinulat niya magdamag
[03:36.63]Kahit gulong-gulo ang isip, pinilit kong basahin
[03:39.24]'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[03:41.86]"Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim
[03:44.59]'Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising
[03:47.18]Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
[03:49.50]At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
[03:52.09]No'ng iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
[03:54.66]Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
[03:56.84]Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
[03:59.79]'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
[04:01.99]Imbes na ako'y sagipin, itinulak sa bangin
[04:04.63]Ito pala'ng ibig sabihin ng "kapit sa patalim"
[04:07.10]Kung mabaho, sabunin, kung makati, gamutin
[04:09.86]Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
[04:12.29]Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
[04:14.87]Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalaki
[04:17.59]Isa lang ang kaya kong sa 'yo'y maipagmalaki
[04:20.04]Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
[04:22.80]Gusto ko mang manatili sa 'yong mga yakap
[04:25.11]Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
[04:27.89]Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
[04:30.41]At ang katulad ko sa 'yo ay 'di karapat-dapat
[04:32.62]Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid
[04:35.10]Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid
[04:37.93]'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
[04:40.56]Pero pakiusap, 'wag ka na sana pang babalik
[04:42.90]Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
[04:45.62]Salamat sa alaala, nagmamahal, Magda"
[04:48.52]Magdalena, ano'ng problema?
[04:51.05]Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[04:53.52]At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
[04:56.16]Na hanapbuhay mo ngayon
[04:58.60]Magdalena, ano'ng problema?
[05:01.19]Alam naman natin na dati kang nena
[05:03.65]At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
[05:06.28]Ano'ng nangyari sa 'yo?
[05:08.29]Ito'y kuwento ng isang babae
[05:14.65]🎵