← Kembali
🎵

May Tibak At May Tibak

Album: Lean, A Filipino Musical Durasi: 5:00

Alam ba natin kung ano ang tingin

Ano ang tingin nila sa atin

Bakit pa ba natin papansinin

Kung ano ang tingin nila sa atin

Para sa akin, mahalaga rin

Mahalaga ring ating alamin

Kung ano ang tingin, ano ang tingin

Ano ang tingin nila sa atin

Ano?!

Anong klaseng demo 'yon, wala man lang nabugbog

Ang mga tibak ngayon walang lakas ng loob

Ni wala man lang naghagis ng mga molotov

Walang mailalathala, walang mapapanood

Di tayo mga gunggong na hanap lang ay away

Sa halip na gulong ay magsunog ng kilay

Dahil 'di ang mga bagay ang dapat na basagin

Kundi isip at malay na naaalipin

(May tibak at may tibak)

May nagtitibak-tibakan

(May tibak at may tibak)

Depende sa tibak

(May tibak at may tibak)

Ang gusto kong tibak

Alam sukatin ang layo ng mga bituin

At ang 'pagkakaiba ng isda at ng pating

Alam suriin, pulitikal na sitwasyon

Ang diperensya ng vodka, whiskey at siok tong

Kilusan ng kabataan ay hindi tumatagal

'Yan ay pansamantala habang nag-aaral

Ni wala kayong masabing pundasyong teoretikal

Nakikisakay lang sa labanang pulitikal

Ang inaning tagumpay pinaghirapan ng husto

Ang talino at gabay ay interes ng tao

Huwag niyo sa amin isisi ang 'di nyo natamo

Kung kayo'y walang silbi noong kabataan ninyo

(May tibak at may tibak)

May nagtitibak-tibakan

(May tibak at may tibak)

Depende sa tibak

(May tibak at may tibak)

Ang gusto kong tibak

Nakakaunawa ng E equals MC squared

Nakakasira pero marunong mag-repair

Nag-aalaga ng bata, baboy at manok

At 'pag may miting, hindi laging inaantok

Sa aking pananaliksik ay aking natuklasan

Mga kahindik-hindik na katotohanan

Ang Marxismo-Leninismo, idolohiyang hungkag

Sosyalismo, komunismo, sa Diyos ay labag

Ang kanyang mga sinabing 'pagkahaba-haba

Huwag na niyang pahahabain at lalong halata

Si Padreng dalubhasa, patawarin niyo Ama

At 'di niya nabasa ang kanyang pinupuna

(May tibak at may tibak)

May nagtitibak-tibakan

(May tibak at may tibak)

Depende sa tibak

(May tibak at may tibak)

Ang gusto kong tibak

Marunong magbasa ng Marx, Mabini

Mao Tse Tung

Marunong maglaba, magsaing nang walang tutong

Kunwari cool na cool "pag kaharap ang military

Nakaka-Scrabble kahit walang dictionary

Mahilig kumanta at mahilig maggitara

At nakakahalata 'pag naririndi sila

Ngunit higit sa lahat walang pinagtatakpan

Marunong humarap sa sariling pagkukulang

May tibak at may tibak

May nagtitibak-tibakan

May tibak at may tibak

Depende sa tibak

May tibak at may tibak

Ang gusto kong tibak

Ang tipo kong tibak

Ang idol kong tibak

Ang perfect na tibak

Patay na tibak!