Nag-iisang Mundo - Gloc-9

[Verse I:]
Natatandaan mo pa ba kung ano ang tunay na kulay ng tubig
Sa batis sa mga bata na nagnanais na magtampisaw
Tanging ikaw at ako lang ang makapagbibigay
Ng kasagutan sa kung saan ba talaga papunta
Ang mga puno sa gubat wag tayong magulat
Kung isang araw tayong lahat ay mamumulat
Na wala ng hangin na papasok pa sa ating katawan
Ang lahat ng ito ay dahil sa ating kagagawan
Kung meron pang natitirang malasakit sa kalikasan
Kapit kamay tayong lahat magtulungan
Samasamang umawit kami ay yong sabayan 2x

[Chorus:]
Bundok ng basura
Ilog na nananalanta
Hangin na lason ang isip
Tanim na sa isip ko't kamalayan
Puno, nangingibang bayan
Ulan dala'y karamdaman
Tubig na malinis binibili
Baka pati ang hangin sumunod

[Refrain:]
Tabi tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nagiisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka ingatan lang ng husto

Tabi tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nagiisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka ingatan lang ng husto
Paka ingatan lang ng husto

[Verse ii:]
Gano pa kadaming buhay ang dapat nating ialay
Upang mapakinabangan ang bawat butil ng palay
Na palaging nasisira kapag umulan
Wala ng puno sa gubat kaya di na mahadlangan
Ang pagkalason ng hangin
Ang tangi naming dalangin
Ay may abutan pa ang mga susunod pa sa atin
At di na sana maamoy kung gano kabaho ang
Ilog na dati'y palagi kong nilalanguyan
Ang napakalawak na lupang puno lamang ng basura
Di mapaglalaruan ng mga susunod na bata
Na syang sasalo sa ano mang ating pinag gamitan
Kaya sama sama nating alagaan ang kalikasan

Bulok ang ani sa dagat
Lason ang baboy at baka
Bukid sa lalawigang malinis
Tanaw lang sa textbook ng paaralan

(Repeat Refrain)

Wag hintaying maubos ang gubat
Bago tayo sa problema'y mamulat
Bigyang pansin ang taghoy ng ating ina
Ngayon, ngayon

(Repeat Refrain)
Artist: Gloc-9
Title: Nag-iisang Mundo