← Kembali
🎵

Nakapagtataka

Album: The High 5 Collection Durasi: 7:19

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip

Mula nang tayo'y nagpasiyang maghiwalay

Nagpaalam 'pagkat hindi tayo bagay

Nakapagtataka, oh-oh

Kung bakit ganito ang aking kapalaran

'Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam?

Bawat paalam ay puno ng iyakan

Nakapagtataka, nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod o 'di kaya'y nagsasawa

Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan?

Napahid na'ng mga luha, damdamin at puso'y tigang

Wala nang maibubuga, wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan

Ba't 'di tayo magkasunduan? Oh, oh-oh-oh

Walang tigil ang ulan at nasaan ka, araw?

Napa'no na'ng pag-ibig sa isa't isa?

Wala na bang nananatiling pag-asa?

Nakapagtataka, saan na napunta?

Wala nang maibubuga, wala na 'kong...

Wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan

Ba't 'di tayo magkasunduan? Oh, oh-oh-oh

Thank you, thank you

Thank you