Nakapagtataka - Rachel Alejandro
Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip, Mula nang tayo'y nagpas'yang maghiwalay Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay, Nakapagtataka (oh... Oh... Oh...) Kung bakit ganito ang aking kapalaran Di ba't ilang ulit ka ng nagpaalam, Bawat paalam ay puno ng iyakan Nakapagtataka, nakapagtataka Hindi ka ba napapagod O di kaya'y nagsasawa, Sa ating mga tampuhang Walang hanggang katapusan Napahid na mga luha, Damdamin at puso'y tigang, Wala nang maibubuga, Wala na 'kong maramdaman Kung tunay tayong nagmamahalan Ba't di tayo magkasunduan? (oh hoh hoh) Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw? Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa? Wala na bang nananatiling pag-asa? Nakapagtataka, saan na napunta? Hindi ka ba napapagod, O di kaya'y nagsasawa, Sa ating mga tampuhang Walang hanggang katapusan Napahid na mga luha, Damdamin at puso'y tigang, Wala ng maibubuga, Wala na 'kong maramdaman Kung tunay tayong nagmamahalan Ba't di tayo magkasunduan? (oh hoh hoh) Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw? Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa? Wala na bang nananatiling pag-asa? Nakapagtataka, saan na napunta? Hindi ka ba napapagod? O di kaya'y nagsasawa Sa ating mga tampuhang Walang hanggang katapusan Napahid na mga luha, Damdamin at puso'y tigang, Wala ng maibubuga, Wala na 'kong maramdaman Napahid na mga luha, Damdamin at puso'y tigang, Wala ng maibubuga, Wala na... Wala na 'kong maramdaman Kung tunay tayong nagmamahalan Ba't di tayo magkasunduan? Oh oh ho Hmmm
Artist: Rachel Alejandro
Title: Nakapagtataka