← Kembali
🎵

Nakaraang Pasko

Album: Paskong Walang Katulad Durasi: 4:15

T'wing maaalala ko

Ang nakaraang Pasko

'Di ba't magkasama tayo?

Anong ligaya ng ating Pasko

At ngayo'y sumapit na

Pasko na'y wala ka pa

Narito ako, sinta

Nalulungkot at nag-iisa

Bakit ba nagkalayo

Ang ating mga puso?

Kung kailan pa naman Pasko

Ay wala ka rito

Sana'y maulit ang nakaraang Pasko

Kailan ba magbabalik?

Ang muli ay sasapit

Pasko ba'y mauulit?

Tayong dalawa'y magsasamang muli

Bakit ba nagkalayo

Ang ating mga puso?

Kung kailan pa naman Pasko

Ay wala ka rito

Sana'y maulit ang nakaraang Pasko

Sana'y maulit ang nakaraang Pasko

Sana'y maulit ang nakaraang Pasko