🎵

Paano

Album: Romantico Durasi: 4:27

Muntik ko nang sabihin

Buti na lang ay napigilan

Maganda bang 'di mo na malaman?

Napapanis kong lihim

Hanggang kailan ko pipigilan?

Masama ba na iyong malaman?

Pa'no kung tayo palang dalawa?

Naiisip ko lang, naiisip mo rin kaya?

Paano kaya (paano kaya) kung tatanungin kita?

Bakit hindi ka kapiling?

Inaasam ang 'yong halik

Matitikman ba ang tamis?

Oh, kay hirap aminin

Baka ang dati'y mag-iba

Ayaw ko lang na ika'y mawala

Pa'no kung tayo palang dalawa?

Naiisip ko lang, naiisip mo rin kaya?

Paano kaya (paano kaya) kung tatanungin kita?

Paano? (Paano?) Paano kaya?

Paano (paano) kung tayo pala?

Paano? (Paano?) Paano kaya?

Paano kung tayo palang dalawa?

Pa'no kung tayo palang dalawa?

Naiisip ko lang, naiisip mo rin kaya?

Paano kaya (paano kaya) kung tatanungin kita?

Paano kung tayo palang dalawa?

Paano? (Paano?) Paano kaya?

Paano kung tayo palang dalawa?