🎵

Panaginip

Album: Panaginip Durasi: 4:04

Hanggang kailan maghihintay sa 'yo?

Mga pangakong sana nga'y totoo

Umaasa pa rin ang damdamin ko

Kahit para bang sa 'yo'y isang laro

Sana nama'y dinggin ang puso kong ito

Ano ba'ng dapat kong gawin nang matutunang mahalin?

Paano nga ba kita makakamit?

Nakahanda lang ang ngiti, baka sakaling tanggapin

Makakaasa ba o mananatiling panaginip?

Ano ba'ng sabi ng damdamin mo?

Tumatanggi ba sa pag-ibig ko?

May laban pa ba kahit ganito?

Parang awa na, ayoko ng laro

Umaasa na dinggin ang puso kong ito

Ano ba'ng dapat kong gawin nang matutunang mahalin?

Paano nga ba kita makakamit?

Nakahanda lang ang ngiti, baka sakaling tanggapin

Makakaasa ba o mananatiling...

Pangarap na nga lang ba kita?

Hahayaan bang mawala?