← Kembali
🎵

Pasko Sa Maynila

Album: Paskong Walang Katulad Durasi: 4:16

Lumalamig ang hangin, hindi mo ba napapansin?

Pati paligid mo, mayro'ng ibang ningning

Iba't ibang tugtugin at ang mga awitin

Hatid lahat nito, Pasko ay narito

Pasko sa Maynila, Maynila

Panahon ng regalo at lambing ng kasuyo

Talagang ibang-iba, Pasko sa Maynila

Nalalapit sa puso mo

At kahit nasaan ka magtungo

Kahit na sa ibayong dako

Lagi pa ring hahanap-hanapin

Pasko na sadyang sariling atin

Kapag napapansin mong lumalamig ang hangin

Kapag paligid mo'y nag-iibang ningning

Ngiti'y h'wag nang pilitin, kusa na rin 'yang darating

Dahil tiyak mo nang Pasko ay narito

Pasko sa Maynila, Maynila

Panahon ng regalo at lambing ng kasuyo

Talagang ibang-iba, Pasko sa Maynila

Nalalapit sa puso mo

At kahit nasaan ka magtungo

Kahit na sa ibayong dako

Lagi pa ring hahanap-hanapin

Pasko na sadyang sariling atin

Kapag napapansin mong lumalamig ang hangin

Kapag paligid mo'y nag-iibang ningning

Ngiti'y h'wag nang pilitin, kusa na rin 'yang darating

Dahil tiyak mo nang Pasko ay narito

Pasko sa Maynila, Maynila

Panahon ng regalo at lambing ng kasuyo

Talagang ibang-iba, Pasko sa Maynila

Nalalapit sa puso mo

Talagang ibang-iba, Pasko sa Maynila

Nalalapit sa puso mo