🎵

Patunayan

Album: Mistaken For Granted Durasi: 5:18

Papatunayan ko na ako lang sayo

Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo

Di na masusukat

Sandigan kong taglay

Magalit man ang langit

'Di matitinag ang kulay

Diwa ko'y namulat

Matapos ang gulo

Saan man dalhin ng langit

Papadpad pa rin sayo

Makinig kang mabuti

Buksan nang mapakinggan ng puso mo ang dapat mong malaman

Papatunayan ko na ako lang sayo

Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo

Mamahalin kita sa puso ko nandyan ka

Maiintindihan mo rin ako

Pinanggalingan ma'y magkaiba

Tadhana natin ay iisa

Ito ang sarili nating yugto

Bakit pa ako lalayo

Makinig kang mabuti

Pangakong walang ibang mas mahalaga

Yan ang dapat na paniwalaan paniwalaan

Papatunayan ko na ako lang sayo

Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo

Mamahalin kita sa puso ko nandyan ka

Maiintindihan mo rin ako

Papatunayan ko na ako lang sayo

Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo

Mamahalin kita sa puso ko'y nandyan ka

Maiintindihan mo rin ako

Kay tagal din kitang hinanap

Halos ikamatay

Nakaukit ka sa aking palad

Mawalay ka't mawalay ka

'Di ako papayag