Sana - Gagong Rapper
[CHORUS] Sana lahat ng pangarap ay makamit Lahat sa tuwina ikaw ang kasama Tayong dalawa ay masaya sana Sana Habang namamasyal sa park hawak ang Humpy Dumpy Bigla lang may natanaw, isang magandang binibini Napangiti, sumunod aking mga mata Hinangad na sana'y makilala ka at makasama Sa tuwina, ikaw lang ang aking pinapangarap Na sana'y habang buhay na kitang makakayakap O anong sarap kapag ikaw natatanaw Sana sa iyong puso ay wala akong kaagaw Isasayaw ka na parang sa 'Huling El Bimbo' Mapa-chacha man o tango, paborito ni sarhento Ibibigay ko sa 'yo lahat ang luho Basta't malaman mo lang, ang lahat ay hindi biro Sana'y marinig mo, sana'y mapadama ko Na ikaw lang ang iniisip ko minu-minuto Sana'y malaman mo na meron sa'yong naghihintay Nandito lng ako magmamahal sa'yo ng tunay Nakakapagpabagabag, kumakalabukab Sa damdamin ko kasi, ako sa'yo ay inlove Naglalagablab, lumiliyab aking mga pangarap Kailan, saan kaya puso mo ay mahahagilap Sa alapaap ako lagi nakatingin Nananalangin, sana ika'y mapasaakin Simoy ng hangin, dumadampi saking mukha Hindi ko napapansin na ako pala ay tulala May himala pa ba sa akin na darating Sana makasama ka at akin nang makapiling Sa paggising, saking pagmulat ng mata Hinihiling ko lng sana sakin nakayakap ka O sana, sana, sana, O sana talaga Imahinasyon ni Tumpak magkatotoo na Sana makamit na, sana makasama ka sa tuwina Sana madala na kita sa pwestong kaaya-aya (Chorus) Simula nang makilala ka at matanawan ka Ikaw lang girl ang hinangad ko sa buong planeta Sana man na man na, sana man na man na, ikaw lang diba Ano pa ba kailangan para ikaw ay makuha Sana aking sinta ako ay iyong nakikita Nang mapagmasdan mo talas sa'kin mga mata Sinisigaw ng puso, sana ay marinig Sinisigaw ng puso mo sa akin pag-ibig Lamig at himig na sa'yo lang ilalaan Walang hangganan, sukdulan na ito sa buwan Mahagkan na kita para ba 'kong nabaliw O aking giliw, ako sa 'yo'y naaaliw Para bang paksiw, ikaw ang aking paborito Basta't komplikado, pag-ibig ay totoo Sana malaman mo na ang lahat para sa 'yo At 'yon ang tangi kong pangarap sa buong mundo Girl, nasaan ka na, kita mo ako'y nalulumbay Halikan mo lang ako, para ba akong hinimatay Nawalan ng malay sa halik mong sobrang tamis Makuha lang kita, handa na 'kong magtiis Kahit ga'no pa katagal ang panahong lumipas Sa 'yo ko lang ilalaan ang minuto at oras 'Pagkat sa puso kong ito, ikaw lang ang gamot Ikaw ang bumura ng hirap ko at lungkot Malambot mo na palad, kailan ko mahahawakan Ang matamis mong halik, kailan ko matitikman Ako'y sabik sa iyong pagmamahal Hihintayin kita kahit ga'no pa katagal Maging hangal, okey lang 'yon, aking tatanggapin Makuha lang kita at puso mo ay maangkin Ibigin mo lang, para bang lumilipad Sana pangarap kong ito lahat ay matupad (Chorus) Hindi kukupas ang pag-ibig ko sa 'yo, parang maong Lagi kong sinasalat ang kamay mo, parang mah-jong Dahil lulong ako sa 'yo na parang bisyo Ikaw ang nagpalundag sa puso ni Dencio Pero sana, 'wag mo sana akong saktan Sa ating relasyon, iyong loob tibayan 'Wag mong pakinggan ha, ang mga humahadlang Dahil ikaw ay akin at sila'y inggit lang, you know Oh, sandali, hindi naman sa nagmamadali Pero alam ko rin naman na pag-ibig ay 'di madali Pero hindi na mapakali na sana bukas Ang bawat buhos at tulo ng luha, ikaw na sana magpunas Ang makatabi't makayakap ko, ikaw na sana Ang makamit, maging kalinga ko, ikaw na sana At sana, pakinggan mo awiting inaalay Eto pakinggan mo, tanging masasabi ko ay (masasabi ko ay) [Repeat CHORUS twice]
Artist: Gagong Rapper
Title: Sana