Sana - Up Dharma Down

Nilibot na ang buong mundo
Di pa rin ako nakukuntento 
Makakahanap ng ipapalit
Nang walang babala
Lumipas ay nagbabalik pala 

Nalilito na ako hindi na dapat gan'to
Nakaraan ay natapos at napagdaanan na
Bakit na sisindak pa sa t'wing naaalala 
Matatauhan na wala ka na pala 

Ako sila'y nandito na
Ikaw na lang ang kulang 
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
Anong pait ang matamis at aking susubukan
Anong silbi ng narito
'Di mo na kailangan 

Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to
Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo
Titigan ay bumibigay ako 

Damdamin ay kay bigat
Naisip na ang lahat
Wala na ba talaga akong magagawa pa 

Ako sila'y nandito na
Ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
Anong tamis ang mapait at aking iiwasan
Walang silbi ang narito
'Di mo na kailangan 

Wala na bang makakapantay at di na ba dapat pang maghintay
Ako lang ba ang nagkasala?
Kumakapit sa natitirang sana .

Kung babalik ka pa hanggang kailan kaya?
Ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang
Ang kulang ay mapupunan wala nang makahahadlang
Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko 
Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo ?

Oh sana
Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko
Oh sana
Inaasam muling makatabi at maangkin sana
Artist: Up Dharma Down
Title: Sana