🎵

Sandata

Album: OPM Yeng Constantino - Metamorphosis Durasi: 5:05

'Wag mong iiwas ang mata

Dahil nakikita ko na

Mayro'ng bumabagabag na naman sa iyo

Sa pagbuntong ng hininga

Mayro'ng lungkot nadarama

Parang gustong tumakas na naman, lumayo

Kung mabangis sa 'yo ang mundo

Mayro'ng puwang sa piling ko

Ako ang sandata

Kung mapait ang tadhana

Sa piling ko'y 'di na luluha

Ako ang sandata

Ako ang sandata, ah

'Wag palipasin ang saglit

At lamunin ng galit

Itapon mo na ang nakaraan, tumayo

Kung mabangis sa 'yo ang mundo

Mayro'ng puwang sa piling ko

Ako ang sandata

Kung mapait ang tadhana

Sa piling ko'y 'di na luluha

Ako ang sandata

Ako ang sandata, ah

Ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh

Ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh, ooh

Sumisigaw alaala

Pilitin mong makahinga

Alam mo bang malaya ka?

Alam mo bang malaya ka?

Kung mabangis sa 'yo ang mundo

Mayro'ng puwang sa piling ko

Ako ang sandata

Kung mapait ang tadhana

Sa piling ko'y hindi na luluha

Ako ang sandata

Ako ang sandata, ah, ah