🎵

Sembreak

Album: Eraserheads Anthology Durasi: 4:03

Dear Kim, kamusta'ng bakasyon mo?

Ako, eto pa rin, nababato

Bad trip talaga 'tong Meralco

Bakit brownout pa rin dito?

Walang silbi sa bahay

Kundi bumabad sa telepono

O kaya'y kasama ang buong barkada

Nakatambay sa may kanto

Naaalala kita 'pag umuulan (sembreak)

Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)

Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)

Naaalala kita, ilang bukas pa ba

Bago tayo ay magkita?

Ako'y naiinip na, bawat oras, binibilang

Sabik na masilayan ka, ha-ha

Sira pa rin ang bisikleta

May gas, wala namang kotse

Naghihintay ng ulan

Basketball sa banyo

Sana ay may pasok na

Para at least, mayro'n akong baon (whoa, whoa)

Cutting classes, dating raket

Rock and roll, buong taon

Naaalala kita 'pag umuulan (sembreak)

Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)

Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)

Naaalala kita, ilang bukas pa ba

Bago tayo ay magkita?

Ako'y naiinip na, bawat oras, binibilang

Sabik na masilayan ka, ha-ha (aw!)

Walang kayakap kundi gitara

Nangangati sa kaiisip sa 'yo

Hanggang sa mabutas 'tong maong ko

'Tsaka bibili uli ng bago

Hanggang dito na lang ang liham ko

Salamat sa atensyon mo

'Tsaka na lang pala 'yong utang ko

'Pag nagkita na lang uli tayo, oh

Naaalala kita 'pag umuulan (sembreak)

Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)

Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)

Naaalala kita, ilang bukas pa ba

Bago tayo ay magkita?

Ako'y naiinip na, bawat oras, binibilang

Sabik na masilayan ka, ha...

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita