🎵
[00:18.34]Naranasan mo na bang kumain nang walang nakahain?
[00:21.28]Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan
[00:25.57]'Di tinulungan, 'di mo akalain
[00:27.63]Na tuluyan kang matatabunan ng mga suliranin
[00:30.77]Naranasan mo na bang parang nakagapos ang mga braso?
[00:33.92]Sa mga problemang kinakaharap ay lagi kang talo
[00:37.07]'Di na alam ang 'yong gagawin, sa putik ay sagipin
[00:40.41]Kung mayro'n kang pagtingin, aking palad ay abutin
[00:43.18]Tila hindi na tuluyan pang maubusan ng luha
[00:46.24]Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa
[00:49.46]Hindi na kayang tumingala, kailan makakawala?
[00:52.76]Magkasingdami ng pagsubok ang aking pagkadapa
[00:55.92]Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay?
[00:58.89]'Di ko 'to ginusto pero mahaba na'ng aking sungay
[01:01.93]At nang hindi na madamay pa sa aking kamalasan
[01:05.03]Pilitin mong matakasan bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
[01:12.97]Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
[01:18.92]Ayoko mang masiraan ang aking ulo
[01:25.23]Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
[01:31.64]Bahala na, masiraan ng ulo
[01:32.94]Naranasan mo na bang pawisang hindi mo pwedeng punasan?
[01:36.49]Hindi mo pwedeng iwasan, hindi mo pwedeng labanan
[01:39.60]Hindi mo pwedeng gamitin, hindi mo pwedeng hipuin
[01:42.79]Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil
[01:45.86]Na laging hinahagupit ng amo kong malupit
[01:48.96]Nadarama kong sakit, palaging nakapikit
[01:52.13]At pilit na tinitiis ang bawat hapdi
[01:55.05]Sa mga araw na laging kulang ka sa salapi
[01:58.15]At 'di mo na malaman kung kanino ka hihingi
[02:00.92]Kung minsan ay hindi mo na makuha pang ngumiti
[02:04.18]Pagkagising ay trabaho, kung minsan ay namamaho
[02:07.38]Kasi butas na ang tabo, wala pang tubig sa banyo
[02:10.40]Sinasabunutan mo na'ng sarili, langaw ay hinuhuli
[02:14.14]'Pag mag-isa'y humuhuni, nand'yan sa tabi-tabi
[02:17.00]Gusto mo nang sumigaw, gusto mo nang bumitaw
[02:20.28]Sabihin mo sa 'kin bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
[02:27.56]Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
[02:33.97]Ayoko mang masiraan ang aking ulo
[02:39.98]Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
[02:46.34]Bahala na, masiraan ng ulo
[02:48.70]🎵